Sheigh : Napapastahan po ba yong ngipin na sobrang konti lang lang yong bawas? I mean, hindi sya putol, may bawas lang na konti
Ask the Dentist : Oo pwede.
Sheigh : Napapastahan po ba yong ngipin na sobrang konti lang lang yong bawas? I mean, hindi sya putol, may bawas lang na konti
Ask the Dentist : Oo pwede.
Ailen : NagpaRCT ako 1 year ago. Masakit pa din kahit naRCT. Ano ang pwede ko gawin?
Ask the Dentist : Ipaxray mo. Baka kailangan ulitin ang RCT mo. Dapat selyado ang final restoration pagkatapos ng RCT.
Karlo : May pigsa sa gilagid ng sirang ngipin ko. Ano po kaya ang remedyo?
Ask the Dentist : Malamang na dahil yan sa sirang ngipin mo. Ipacheck mo sa dentist sa lugar mo, pwedeng iRCT yan, pwede din bunutin.
Leonard : Saan po pwede magpagawa ng murang pustiso?
Ask the Dentist : Sa dental school sa lugar mo. Mura magpagawa ng pustiso sa dental school. De kalidad pa.
Ging : Ask ko lang if possible ba magbraces kahit wala nang wisdom teeth?
Ask the Dentist : Oo naman.
Georgette : Nabali ang pangil ko, pwede pa ba pastahan ito?
Ask the Dentist : Depende sa laki ng bali. Madami ang pwedeng gawin depende sa laki ng bali. Ipakita mo sa dentist sa lugar mo para macheck mabuti.
Lorna : Need ko po ng braces. Saan po kaya dental clinic pwede magpagawa ng libre?
Ask the Dentist : Wala kang makikitang braces na free kahit saan sa pinas.
Alex : Saan po kaya ako makakapagpagawa ng denture na free?
Ask the Dentist : May mga dental mission kung minsan na nagpuprovide ng free denture. Pero madalang. Sa panahon ng eleksyon, may mga kandidatong nagbibigay din ng denture. Kung may malapit na dental school sa lugar mo, pwede ka din maginquire sa dental school tungkol sa denture.
Zander : Magkano pandikit ng brace? Nakabili po ako ng braces sa fb.
Ask the Dentist : Wag mo na tangkain mag-DIY Brace. Magpabrace ka licensed na dentist.
Jessame : Hanggang ano edad po tutubo ang prrmanent teeth..yun anak ko po kse bata plang sira n ngipin hnggang sa nbunge n ang taas na ngipen nya…diko n po matandaan kung ano edad ng nbungian ang anak ko pero 7years old n po sya bungi pa din hnd p dn po natubo ang ngipin nya. Sana mtulungan nyo po ako na mlmn ang ksagutan.
Ask the Dentist : 6 to 7 years old ang start. Para makasigurong may tutubo pa, ipa-panoramic x ray mo ang anak mo.